Si Durog  

Posted by JhedRotten

Sa magulo't maduming mundo ng parasitismo lumaki si Durog, kung kaya't lumaking matatag. Bata pa lamang siya'y bihasa na sa suntukan, isang larong kinalakihan sa pampublikong paaralan. Elementarya pa lamang ay marunong nang magsugal, at kasing dumi ng kinalakihan ang bukambibig ng bata. Lasenggero, sugarol, alak at baraha ay pang-araw-araw na tanawin sa mundong ginagalawan. Isang lasenggero at isang sugarol ang tumatayong ama at ina.

Sumali sa isang samahan, asul ang kulay. Ang kanilang layunin: itaob ang kaaway, mga pula. Walang naiintindihan si Durog dito, o kahit sino sa kanyang mga kasama. Basta ang layunin: Gapiin ang kaaway ay makilala. Marami pang masasabi sa buhay ni Durog, kung hindi sa balang nakabaon ngayon sa kanyang ulo.


This entry was posted on Sunday, January 11, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments